PDA

View Full Version : Kwento ng Isang Ina


docjoy62
Jan 25, 2004, 10:47 AM
Registered nurse si Genoveva sa America. Kasama nya ang kanyang ina na nagpapagamot doon. Namatay ang ina nito, dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Genoveva. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na nag iisa.

Pagdating ng kabaong, napansin ang mga kapamilya niya na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagkomenta tuloy ang isang anak……..ay naku! Tingnan mo yan….hindi sila marunong magayos ng bangkay sa America! Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.
Aba!!! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa, ang nilalaman ng sulat ay mula kay Genoveva.

“Mahal kong tatay at mga kapatid, pasensiya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag uwi niyan sa pilipinas dahil napakamahal ang pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000.00 na. Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod……Nasa likod ni nanay ang dalawamput apat na karne norte. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares na de goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inunan ni nanay. Tig iisa kayo. Ang ibat ibang klase ng chocolate at candy ay nasa pwuitan ni nanay, para sa mga pamangkin ko ito.
Bahala na kayong mag parte parte, sana hindi natunaw ang mga ito.
Ang pokemon stuffed toy na yapos yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate.
Gift ko sa birthday ng bata, ang itim na Esprit bag ay para kay nene. Ate,
nasa loob ng bag ang picture ni inay, Japanese version ng pokemon trading card at stickers. Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap, at dalawang Old Navy na t-shirts. Ang isa ay para kay kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot niyo yan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na pantyhose at tatlong warmers para sa dalaga kong pamangkin, isuot niyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni inay. Para sa inyo, itay,kuya,dikong, tiyo romy. Bigyan niyo rin ng tig-iisa yung pangkin ko at yung isa ang kay pareng tulume.
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot din ni nanay ay para sa mga anak mo diko na nag babasketball. Tigdadalawang rim ng Marlboro green at Winston light ay nasa pagitan ng hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy peanut butter,dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati hati na kayo huwag mag agawan.

Isang dosenang wonder bra na gustong gusto ni tiya iska, suot suot din ni
nanay. Alam kong ina-asam-asam nyo yan, tiya.
Ang rolex watch na bilin mo tatay, suot suot ni nanay, kunin mo agad. Ang hikaw, singsing, at kwintas( na may nakakabit pang anim na nailcutters) na gustong gusto mo ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad.
Isang Rayban ladies sunglass na pa birthday ko kay ninang Berta, hindi ko
pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan niya, nasa pink na plastik na maliit. Mga Channel at Champion na medyas, suot suot din ni nanay. Tig-iisa kayo mga pamangkin ko.

Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins, scotch
brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels….yun bale ang pinang kutson ko sa kabaong ni nanay. Marami rami rin yan, parte parte rin kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte, gaya ng café, coffee creamer, ilang Vienna sausage na de lata, Barbie dolls, toothbrush, paper cups,plastic spoon, fork, paper plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soap, match box toys, used shirts, hand towels, cd’s vhs tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose atbpa.

Na hindi ko na itemize dahil nagmamadali ako. Marami pa sana akong ipag lalagay kaya lang, baka mag excess baggage at si nanay pa ang maiwan.. Basta parte parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse, para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito, balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing. Paki double check ang listahan kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Yours truly,

Genoveva


P.S. "pakibihisan niyo agad si inay!”